Sikretong selda sa MPD Station 1, nadiskubre ng CHR

0
mpd

Nadiskubre ng Commission on Human Rights ang isang sikretong selda sa loob ng Station 1 ng Manila Police District sa Tondo.

Sa sorpresang inspeksyon, tumambad sa CHR ang seldang tinakpan ng isang cabinet na nagsisilbi namang pintuan.

Ayon sa CHR, ilan sa mga preso ang nagsabing hinihingan sila ng mga pulis ng ₱40,000 hanggang ₱200,000 kapalit ng kanilang kalayaan.

Bago ang isinagawang inspeksyon nakatanggap ng ulat ang CHR na mayroong ilang bilanggo ang mahigit isang linggo nang nakapiit kahit wala pang kaso.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *