Singkuwenta’y sais anyos na negosyante patay nang mahulog ang sasakyan sa PNR bridge sa Pangasinan

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 56-anyos na negosyante mula Barangay Malabago, matapos mahulog ang minamaneho niyang pick-up sa PNR Bridge sa Barangay Salaan, Mangaldan, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Luis L. Gabriel, Jr. na narekober sa isinagawang search and retrieval operation ng Mangaldan Quick Response Team (QRT), na pinamunuan ni Ernie V. Cuison, katuwang ang Mangaldan PNP sa pamumuno ni Pol. Lt. Col. Perlito R. Tuayon.

Ayon sa ulat ng Mangaldan PNP, nakatanggap sila ng tawag bandang 1:35 ng hapon at agad na tumugon sa nasabing insidente.
Sa kuwento ng ilang saksi, kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan pasado tanghali nang makita nilang nawalan ng kontrol ang minamanehong sasakyan ni Gabriel, na muntik pa umanong makabangga ng isang pedicab, bago tuluyang nahulog sa tulay kung saan ito tumaob.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng naturang aksidente.
Manny De luna