Siyam na Korean national arestado sa ni-raid an scam hub sa Parañaque City

0

Courtesy: Bureau of Immigration

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), at National Bureau of Investigation (NBI), ang 9 na dayuhan sa ginawang raid sa isang condo unit sa Parañaque City.

Ayon sa BI, may mission order sila laban sa dalawang dayuhang pugante sa Bataan,pero sa ginawang operasyon ay nadiskubre ang 9 na Korean national na nasa edad 29 – 31 anyos.

Huli umano sa akto ang mga ito habang nag-o-operate sa hinihinalang scam platform.

Sangkot umano ang mga ito sa online loan fraud scheme , na ang target ay mga dayuhan din.

Pagkatapos maiproseso sa NBI ay ididitini ang 9 sa BI detention facility.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *