Solar-powered at earthquake proof building design, napili ng mga mahistrado para sa itatayong bagong gusali SC
Nakapili na ang mga mahistrado ng Suprema ng disenyo para sa bagong gusali nito na target maitayo sa 2019 sa Taguig.
Ang nanalong design proposal ay mula sa Mañosa and Company Inc.,at ang founder na si Francisco Mañosa ay kilala sa kanyang Filipino-inspired architectural designs.
Ang napiling building design ay Philippine-flag inspired at solar-powered at earthquake-proof.
Naglaan ang pamahalaan ng 3.28 billion pesos na pondo para sa disenyo at konstruksyon ng bagong SC building na itatayo sa lote ng dating Philippine Army security escort group sa Fort Bonifacio.
Ayon sa Korte Suprema, ang bagong SC Complex ay magkakaroon ng nine storey building na may 51 opisina at six storey parking building.
Ulat ni: Moira Encina