Solicitor General Jose Calida tikom ang bibig sa pag-void sa amnestiya kay Trillanes

0
index

Tikom ang bibig ni Solicitor General Jose Calida sa paratang ni Senador Antonio Trillanes IV na siya ang nasa likod ng pagpapalabas ng proklamasyon na nagdideklarang invalid ang amnestiya sa senador.

Sa panayam sa Korte Suprema, iginiit ni Calida ang lawyer-client privilege communication sa pagitan ng OSG at gobyerno bilang kliyente nito.

Sinabi pa ni Calida na masyadong mapaghinala si Trillanes.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nagsimula ang pagrebyu sa amnestiya ni Trillanes noon 2013 na panahon ng administrasyong Aquino.

Samantala, hinamon ni Calida si Trillanes na magsampa na lang ito ng kaso at magkita sila sa korte kaugnay sa isyu sa security firm ng pamilya Calida.

Tinawag pa niyang bully si Trillanes dahil sa mga pag-asta nito na mistulang isang hukom at piskal.

Ulat ni Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *