Special stamps, ipinalabas ng PHILPOST para sa pagdiriwang ng National Heritage Month ngayong Mayo

0
stamps

Bilang paggunita sa pagdiriwang ng National Heritage Month ngayong Mayo, nagpalabas ang Philippine Postal Corporation ng mga espesyal na stamp o selyo tampok ang Philippine sunsets.

Ayon sa PHILPOST, mahigit isandaang mga stamp ang kanilang ipinalabas at nagkakahalaga ng labindalawang piso ang bawat isa.

Mabibili naman sa halagang isandaang piso ang 5 thousand copies souvenir sheet nito.

Ang Philippine sunset special stamps ay mabibili sa Manila Central Post Office at ipapamahagi rin sa mga Regional offices sa buong bansa sa susunod na linggo.

 Ulat ni: Antonette Laborte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *