Stock na bigas ng National Food Authority, kapos na

0
nfa

Kulang na ang stock na bigas ng National Food Authority.

Ayon sa ahensya hanggang pang  8 araw na suplay na lamang ng sako ng bigas ang natitira sa kanilang warehouse.

Nasa 19,000 na sako na lamang ang nasa warehouse nila sa Quezon City na nagsusuplay ng bigas sa buong Maynila.

Kulang na ito sa nakatakdang pang labing limang araw na stock ng bigas, at pang 30 araw na stock ng bigas  para sa panahon ng tag-ulan.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng NFA ang approval ng government-to-government transaction sa pag-aangkat ng 250,000 metric tons ng bigas mula sa Thailand at China.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *