Supt. Nobleza at BF na ASG, nailipat na sa Kampo Crame
Nailipat na sa PNP headquarters sa Kampo Crame sina Supt. Maria Cristina Nobleza at kanyang kasintahan , ang Abu Sayaff member na si Reenor Lou Dongon.
Dumating sina Nobleza at Dongon sa Ninoy Aquino International Airport kaninang pasado alas nuebe ng umaga sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 620.
Ineskortan sila nina Supt. Jonathan Cabal ng Regional Intelligence Division ng Central Visayas Regional Police Office.
Agad na isinakay ang dalawa sa naghihintay na police vehicle na agad namang umalis ng paliparan.
Dumating sina Nobleza at Dungon sa Kampo Krame pasado alas dies ng umaga.
Hindi pa sinasabi ng PNP kung kailan ihaharap sa media sina Dungo at Nobleza.
Ulat ni: Mar Gabriel
