SWS survey na tumaas ang bilang ng mga nagugutom na pinoy tinutugunan na ng DSWD sa pamamagitan ng food stamp program

0
SWS Logo

May dahilan ang paglulunsad ng Ferdinand Marcos, Jr., administration ng food stamp program o FSP sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development o DSWD matapos ilabas ng social weather station o SWS ang second quarter survey report na dumami ang mga pinoy na nakakaranas ng involuntary hunger.

Sinabi ni DSWD spokesman assitant secretary Romel Lopez na maliwanag ang pahayag ni social welfare secretary Rex Gatchalian na ang food stamp program ay naglalayon na mabigyan ng ayudang pangkain ang nasa 1 milyong mahihirap na nasa listahan 3 na kabilang sa food poor criteria ng philippine statistics authority o psa.

Ayon kay Lopez ang pilot implementation ng food stamp program ay nagsimula noong July at tatagal hanggang december na pakikinabangan ng 3,000 pamilya na ang monthly income ay hindi lalagpas sa 8,000 pesos.

Inihayag ni Lopez na tinatayang nasa 1 milyong food poor families ang makikinabang sa walang gutom food stamp program ng DSWD na nakakaranas ng kagutuman dahil sa matinding kahirapan.

Niliwanag ni Lopez na ang food stamp program ay idadaan sa pamamagitan ng electronic benefits transfer isang uri ng cash assitance ng gobyerno na nagkakahalaga ng 3,000 piso kada buwan na magagamit lamang sa pagbili ng pagkain sa mga accredited local retailers ng DSWD at hindi kasama ang alak o anomang inuming nakakalasing.

Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *