Taguig Yakap Center Disability Week 2025 na may temang “Unleash Your Creativity: Express Yourself Through Art!” umarangkada na

Courtesy: Taguig City PIO
Nagsimula na ang Taguig Yakap Center Disability Week 2025, na kinapapalooban ng mga aktibidad na nakabatay sa sining para sa mga mag-aaral sa early intervention, transition at pre-vocational program.
Ang isang linggong aktibidad na nagsimula noong June 27 at tatagal hanggang July 4, ay may temang “Unleash Your Creativity: Express Yourself Through Art!”

Courtesy: Taguig City PIO
Malugod na tinanggap ng direktor ng Yakap Center na si Zarah Claire Cuenca ang mga kalahok at i-anunsiyo ang mga magiging aktibidad, upang suportahan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag.

Courtesy: Taguig City PIO
Itinampok sa kickoff ang isang art workshop kasama ang local artist ng Taguig na si Nemo Aguila, kung saan ang mga bata ay gumawa ng mga likhang sining gaya ng poster, gamit ang watercolor at pintura.
Ilan sa mga likhang sining ng mga mag-aaral ay itatampok sa isang exhibit bukas, July 2 at maaari itong tingnan ng publiko.

Courtesy: Taguig City PIO
Sa July 3-4 naman, ay lalahok ang mga mag-aaral sa pre-vocational program i sa isang night camp out, na katatampukan ng masasayang aktibidad tulad ng bonfire, movie screening, at music jam.

Courtesy: Taguig City PIO
Archie Amado