Taiwan binaha at libu-libo ang lumikas dahil sa Typhoon  Fung-wong

0

A person holds an umbrella while walking on a road, as Typhoon Fung-wong approaches in Taipei, Taiwan, November 11, 2025. REUTERS/Ann Wang

Mahigit sa 8,300 katao ang inilikas sa Taiwan bago pa man dumating ang Typhoon Fung-wong ngayong Miyerkoles, na nagdala ng malakas na mga pag-ulan sa bulubunduking bahagi ng west coast at nagdulot ng hanggang leeg na pagbaha sa ilang lugar.

Maraming mga negosyo at paaralan ang nagsara sa maraming lugar sa timugan ng isla, kung saan 51 na ang nasaktan.

A woman holds her umbrella amidst strong winds and rain as Typhoon Fung-wong approaches, in Taipei, Taiwan, November 11, 2025. REUTERS/Ann Wang

Nakita sa ilang television images ang matinding pagbaha sa ilang bahagi ng rural eartern county ng Yilan, na umabot ng hanggang leeg ang lalim.

Ayon sa fire department, nasa 8,300 katao ang inilikas mula sa kanilang tahanan, karamihan ay sa Yilan at kalapit na Hualien, kung saan pinalakas pa ng monsoon mula sa hilaga ang mga pag-ulan.

Sinabi ng weather officials, na ang bayan ng Dongshan sa Yilan ay dumanas ng 794 mm (31 inches) ng ulan nitong Martes.

Si Fung-wong ay tinatayang daraan sa far southern tip ng Taiwan ngayong Miyerkoles bago tumungo sa Pacific Ocean.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *