Tatlong cabinet members, muling maba-bypass ng Commission on Appointments
Maba-bypass muli ng Commission on Apppointment sina DSWD Secretary Judy Taguiwalo,Health Secretary Paulyn Ubial at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, hindi na maisasalang ang tatlong kalihim sa confirmation hearing hanggang bago mag adjourn ang session sa June 2.
Ito ay dahil hindi pa nareresolba ang resolusyon ni CA member senator Bam Aquino na humihiling na repasuhin ang bagong rules na nagtatakda ng sekretong botohan sa kumpirmasyon ng cabinet secretaries.
Nauna nang kinuwestyon ni Aquino ang nabuong rules makaraang makalabas ang impormasyon ng secret voting na nagbasura sa appointment ni dating Environment Secretary Gina Lopez.
Kapag naby pass, kailangang ire apppoint ng Pangulo sina Taguiwalo, Ubial at Mariano para patuloy nilang magampanan ang kanilang tungkulin.
Ulat ni: Mean Corvera
