Tatlong korporasyon sinampahan ng tax evasion case ng BIR
Tatlong korporasyon mula sa Cubao, Cainta at Mandaluyong City ang sinampahan ng BIR ng reklamong tax evasion sa DOJ dahil sa kabiguang magbayad ng buwis na umaabot sa halos 152 million pesos.
Pinakamalaki sa hinahabol na utang sa buwis ay sa Quicksellers Corporation at sa mga presidente at treasurer nito na kabuuang 127.44 million pesos noong 2010
Ipinagharap din ng reklamo ang Condi Commercial Corporation at treasurer nito dahil sa tax liabilities noong 2007 na 12.89 million pesos.
Kinasuhan din ng BIR ang PSTI Food Supplies Inc. para sa 11.46 million pesos na hindi binayarang buwis noong 2007.
Ayon sa BIR, pinadalhan nila ng mga abiso ang tatlong kumpanya kaugnay sa kanilang tax deficiencies pero nabigo pa rin ang mga itong tumugon.
Ulat ni: Moira Encina
