Tax amnesty bill aprubado na ng senado

0
15Senate-GSIS

Pinal nang pinagtibay ng senado ang panukalang tax amnesty na inaasahang magpapagaan sa pagbabayad ng buwis ng mga negosyante.

Labinlimang senador ang pumabor sa senate bill 2059 habang walang senador na tumutol.

Sa panukalang batas, mabibigyan na ng reprieve ang mga hindi nakapagbayad ng buwis hanggang 50 percent ng kanilang babayarang buwis mula taxable year 2017.

Sakop nito ang ang mga real estate, general taxes at mga delinquent accounts.

Isinulong ang panukala para mabawasan ang sangkatutak na tax cases na nakapending sa mga korte.

Ang mga nais mag-aplay ng amnestiya ay kailangang ilakip ang kanilang general amnesty tax return kasama ang notarized statement of assets liabilities and networth.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *