Tax Reform Bill Package, sinertipikahan ng urgent ni Pangulong Duterte

0
tax

Sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang unang Tax Reform Bill na naglalayong babaan ang personal income tax rates, ngunit magdadagdag naman sa singil sa iba pang tax.

Ayon kay Finance Assistant Sec. Paola Alvarez, inilabas ang sertipikasyon kahapon ng umaga at agad na ipinadala sa Kamara.

Bukas, May 31,  inaasahang ipapasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill 5636 sa plenaryo.

Ang House Bill 5636 ay ang substitute Bill na may mga moderate modifications na naglalaman ng orihinal na panukala ng Department of Finance sa ilalim ng House Bill 4774 at 54 iba pa.

Layon nitong ayusin ang income bracket creeping, bawasan ang maximum personal income tax ng hanggang sa 25 percent, habang tataasan naman ang sa mga ultra-rich ng hanggang 35 percent.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *