Temporary Off-Site Passport Service sa Newport Mall hanggang sa Sept.15 na lang ang operasyon

FB_IMG_1663201435268

Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) na hanggang Setyembre 15 na lang ang operasyon ng Temporary Off-Site Passport Service (TOPS) sa Newport Mall.

Sa abiso ng DFA-OCA, pinayuhan ang mga apektadong aplikante na iri-reschedule ang mga ito sa bagong TOPS na bubuksan sa SM City Sucat.

Partikular ang mga aplikante na una nang naka-iskedyul ng Setyembre 16 hanggang 30 at mga aplikanteng kinakailangang bumalik sa TOPS Newport para tumugon sa requirements.

Sinabi ng DFA-OCA na ang iskedyul na susundin ng mga nasabing aplikante ay kapareho ng orihinal na petsa at time slot ng kanilang appointment sa TOPS Newport.

Moira Encina