Terror attack sa Marawi City mauulit sa ibang lugar kung hindi makikipagtulungan ang publiko ayon kay Pangulong Duterte

0
digo1

Walang kasiguruhang hindi na mauulit ang pag-atake ng mga terorista sa ibang panig ng bansa kung hindi makikipagtulungan ang mga mamamayan sa mga otoridad.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng panawagan sa publiko na maging katuwang ng pulisya at militar upang agad na maagapan ang anumang plano ng mga terorista.

Ayon sa Pangulo isang halimbawa dito ang Marawi City seige ng ginawa ng mga teroristang Maute.

Inihayag ng Pangulo malayang napasok ang Marawi City ng mga terorista kasama ang ilang mga dayuhang extremist dahil din sa pakikipagsabwatan ng ilang local officials.

Dahil dito tiniyak ng Pangulo na mauulit din ang deklarasyon ng Martial Law upang mapigilan ang pananakop ng mga terorista sa alin mang bahagi ng kapuluan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *