Thailand-Cambodia border kumalma habang nag-uusap ang military commanders

A soldier is seen on an Armored Personnel Carrier (APC) on a road near Thailand-Cambodia’s border in Sisaket province, the day after the leaders of Cambodia and Thailand agreed to a ceasefire on Monday in a bid to bring an end to their deadliest conflict in more than a decade and ahead of military negotiations, Thailand, July 29, 2025. REUTERS/Athit Perawongmetha
Kumalma na ang hidwaan habang nagsasagawa ng pag-uusap ang military commanders mula sa Thailand at Cambodia, kasunod nang anunsiyo ng Southeast Asian neighbors nito ng isang truce upang tapusin na ang limang araw na labanan sa border.
Nagkita sa Malaysia nitong Lunes ang Thai at Cambodian leaders, at nagkasundo sa isang tigil-putukan upang mahinto na ang itinuturing na “deadliest conflict” na ikinamatay na ng hindi bababa sa 40 katao, na karamihan ay mga sibilyan, ay naging dahilan upang ma-displace ang mahigit sa 300,000 sa dalawang bansa.
Sinabi ng isang Thai army spokesman, na bagama’t sinabi ng militar na nagkaroon ng pag-atake ang Cambodian troops sa hindi bababa sa limang lokasyon nitong Martes ng umaga, na isang paglabag sa ceasefire na nagkabisa hatinggabi ng Lunes, ay natuloy pa rin ang pag-uusap ng mga kumander mula sa magkabilang panig.

A truck carries armoured personnel carriers (APC) on a road near Thailand-Cambodia’s border in Sisaket province, the day after the leaders of Cambodia and Thailand agreed to a ceasefire on Monday in a bid to bring an end to their deadliest conflict in more than a decade and ahead of military negotiations, Thailand, July 29, 2025. REUTERS/Athit Perawongmetha
Kinabibilangan ito ng mga negosasyon sa pagitan ng heneral na namumuno sa second region army ng Thailand na si Major Gen. Winthai Suvaree at sa kaniyang Cambodian counterpart.
Ang dalawang commanders, na nagkita sa border, ay nagkasundong panatilihin ang ceasefire, ihinto ang anumang troop movement, at hayaang madala pabalik sa kani-kaniyang bansa ang mga nasugatan at mga namatay sa labanan.
Ayon kay Winthai, “Each side will establish a coordinating team of four to resolve any problems.”
Sa Bangkok, sinabi ni Thailand acting Prime Minister Phumtham Wechayachai, na nagtungo sa Malaysian capital upang i-secure truce deal, na nakipag-usap siya sa Cambodian defense minister.
Aniya, “There is no escalation. Right now things are calm.”
Sinabi naman ni Maly Socheata, isang tagapagsalita para sa Cambodian Defense Ministry, “there had been no new fighting along the border.”

A view shows an empty street of Samraong, the capital of Oddar Meanchey province, about 20 km (12 miles) from the border, from where people evacuated during ceasefire talks in Malaysia, as the deadly border conflict between Thailand and Cambodia extended to a fifth day, Cambodia, July 28, 2025. REUTERS/Chantha Lach
Nanumbalik naman ang vehicular traffic at daily activity sa Kantharalak district ng Sisaket province ng Thailand, mga 30 kilometro mula sa frontlines.