Tom Cruise at Dolly Parton, tatanggap ng honorary Oscars

0

Tom Cruise poses as he attends the premiere of the film “Mission: Impossible – The Final Reckoning” at the Auditorio Nacional, in Mexico City, Mexico May 20, 2025. REUTERS/Henry Romero/File Photo

Kabilang ang Action movie star na si Tom Cruise at singer-actor na si Dolly Parton, sa mga napiling pagkalooban ng honorary Oscars ngayong taon para sa lifetime achievements.

Ayon sa hollywood’s film academy, napili rin ang aktor at choreographer na si Debbie Allen at production designer na si Wynn Thomas sa bibigyan ng pagkilala ng board of governors ng Academy of Motion Picture Arts & Sciences.

Tatanggapin ng apat ang kanilang Oscar statuettes sa gaganaping annual Governors Awards gala sa nobyembre.

Si Cruise, na kasalukuyang bida sa Mission: Impossible – The Final Reckoning, ay napili dahil sa ilang dekada na niyang kontribusyon sa Risky Business, dalawang Top Gun movies at ilang iba pang mga pelikula.

Dalawang ulit siyang na-nominate bilang best actor, para sa Born On The Fourth Of July at Jerry Maguire, at maging para sa best supporting actor para sa Magnolia.

Ayon kay Academy President Janet Yang, “Tom Cruise’s incredible commitment to our filmmaking community, to the theatrical experience, and to the stunts community has inspired us all.”

Si Parton naman na isang country music singer at bumida sa mga pelikulang Steel Magnolias at The Best Little Whorehouse In Texas, ay bibigyan ng Jean Hersholt Humanitarian Award para s akaniyang charitable efforts.

Ang Imagination Library niya ay nakapagbigay na ng mahigit sa 284 million free books sa mga bata sa nakalipas na mahigit 30 taon, ayon sa website ng organisasyon.

Tumanggap siya ng dalawang Oscar nominations para sa best song ng mga pelikulang 9 to 5 at Transamerica.

Si Allen naman na isang aktor sa mga pelikulang gaya ng Fame at Ragtime, ang pitong beses na nag-choreograph sa Academy Awards ceremony at siyang choreographer ng ilang pelikula.

Ang Production designer na si Thomas ay nagtrabaho sa ilang Spike Lee Films kabilang ang She’s Gotta Have It at Do The Right Thing, gayundin sa best picture winner na A Beautiful Mind.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *