TRO ng Court of Appeals sa pamilya Prieto at Rufino property na nais bawiin ni Pang. Duterte palaisipan sa Malakanyang

0
sal1

Ipinagtataka ng Malakanyang ang pag-iisyu ng Temporary Restraining Order o TRO ng Court of Appeals o CA na  dahilan para hindi pa rin makuha ng gobyerno ang dalawa punto siyam na ektaryang mile long property sa Makati mula sa pamilya Prieto at Rufino.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, panalo ang pamahalaan sa lower court kaya lamang aynakahingi ng TRO ang dalawang pamilya mula sa CA na dapat aniya’y dumaan sa proseso.

Inihayag ni Panelo na dapat matiyak na ang pag-iisyu ng TRO ay naaayon sa mga prosesong itinatakda gayung may kaukulang procedure na dapat gawin sa paglalabas ng TRO kapag ang pinag-uusapan ay mga kasong may kaugnayan sa imprastraktura, mineral at petroleum projects.

Matatandaang nais ng bawiin ni Pangulong Duterte mula sa dalawang pamilya ang naturang property matapos na hindi na ini-renew ng National Power Corporation o NAPOCOR ang pagpapa-upa nito sa sa dalawang pamilya mula pa noong 2002.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *