Unanimous decision. WBA Welterweight Champion Manny Pacquiao wagi vs Adrien Broner

0
Capture

Naipagtanggol ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kaniyang WBA Welterweight Championship belt laban kay American boxer Adrien Broner via unanimous decision.

Nagtapos ang laban sa score na 117-111, 116-112, 116-112 pabor kay Pacquiao.

Kaugnay nito, mayroon na ngayong 61-7-2 win-loss-draw record ang eight-division world championsa kanyang professional boxing career.

Sa kabila ng agwat sa edad, sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ni Pacquiao laban sa American challenger.

Tinanggap naman ni Broner ang kanyang ikaapat na pagkatalo, na nagtala na ng 33-4-1.

Ang labanang Pacman-Broner ay idinaos sa MGM Grand Arena sa Nevada, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *