Los Baños Laguna Mayor Cesar Perez pumanaw na

images-1

Pumanaw na si Los Baños Laguna Mayor Cesar Perez matapos na barilin ito ng hindi pa pingalanang suspek sa loob ng munisipyo kaninang 8:45 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, dalawang beses binaril ng mga suspek ang biktima sa likod ng ulo.

Agad na dinala ang alkalde sa pagamutan at sinubukan pang i revive ng mga doktor subalit dakong 9:25 ng gabi ay tuluyan na itong namatay.

Kaagad ding tumakas ang mga suspek.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa alkalde

Jet Hilario