US pinayagan na ang ‘mix and match’ Covid vaccine boosters

Photo: AFP

Binigyan na ng awtorisasyon ng US Food and Drug Administration (FDA), ang tinatawag na ‘mis and match’ strategy para sa mga taong nangangailangan ng isang booster shot ng Covid vaccine matapos ang una nilang bakuna.

Batay sa pahayag ng ahensiya, mas lamang ang potensiyal na benepisyo ng paggamit ng isang single heterologous booster dose kaysa sa kilala at potensiyal na panganib nito.

Ang Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson vaccines ay awtorisado na sa Estados Unidos. Ang isang single dose ng alinman sa mga ito ay maaari nang ibigay sa nakakumpleto na ng primary vaccination gamit ang ibang Covid vaccine.

Ayon sa bagong desisyon, ang mga taong dalawang beses nang nabakunahan ng Moderna, mga nasa edad 65 pataas, mga lampas 18 anyos at yaong high risk sa Covid, o kaya ay lampas 18 anyos at may high occupational exposure, ay maaari nang bigyan ng booster.

Maaari na ring turukan ng booster ang lahat ng adults na nabigyan ng single dose J&J vaccine, sa nakalipas na dalawang buwan.

Dati ay tanging immune compromised lamang o mga taong nabibilang sa katandaan o high risk groups, at una nang nabakunahan ng Pfizer ang puwede lamang bigyan ng booster shot.

Ang datos na sumusuporta sa desisyon ay nagmula sa research na nirepaso ng FDA.

Ayon kay FDA commissioner Janet Woodcock . . . “Today’s action demonstrate our commitment to public health in proactively fighting against the Covid-19 pandemic.”

Nakasaad din sa pahayag ng ahensiya ang babala tungkol sa highly rare side effects na may kaugnayan sa nabanggit na mga bakuna.

Ang messenger RNA vaccines na Pfizer at Moderna, ay iniuugnay sa increased risks ng inflammatory heart conditions, myocarditis at pericarditis, laluna sa mga nakababatang lalaki.

Ang J&J vaccine naman ay iniuugnay sa isang seryoso at di pagkaraniwang uri ng blood clot na may kasamang low blood platelets, isa o dalawang linggo matapos mabakunahan.

Ang panganib ay mas mataas sa mga kababaihang edad 18 hanggang 49. (AFP)

Please follow and like us: