Utak sa substandard na housing project sa Pandi, Bulacan papapanagutin ng Senado
Tiniyak ng Senado na may mananagot sa konstruksyon ng mga substandard na housing units sa Pandi Bulacan.
Ito ang tiniyak ni Senador JV Ejercito chairman ng Senate Committe on Housing and Resettlement matapos ang ocular inspection kahapon kung saan nakita ang mga nakatiwangwang na pabahay na ginawa para sa mga pulis at sundalo.
Sinabi ng Senador na magsasagawa pa sila ng mas malalimang imbestigasyon sa pagbabalik ng sesyon sa Martes para hindi na maulit ang mga insidente na nilusob at inokupa ang mga pabahay dahil iniwang nakatiwangwang.
Kasama sa irerekomenda ng komite na mai-award na sa ibang benificiaries ang mga pabahay na para sa mga sundalo at pulis kaysa hindi tuluyang mapakinabangan.
Nauna nang nagbabala si Ejercito na maaring mag collapse ang housing industry kung papayagang ibigay ng libre ang mga pabahay sa mga miyembro ng KADAMAY.
Magkakaroon aniya ito ng domino effect sa iba pang housing projects ng gobyerno.
Ulat ni: Mean Corvera
