Utos ng CPP-NPA na paigtingin ang opensiba sa Mindanao dahilsa ML, insulto at kataksilan sa peacetalks ayon sa Gov’t Peace Panel
Nababahala ang Government Peace Panel sa maling interpretasyon ng CPP-NPA sa layunin ni Pangulong Duterte nang ideklara nito ang batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, Chairman ng Government Peace Panel, insulto at kataksilan sa sinseridad ng Pangulo at ng peace Panel ang utos ng komunistang grupo na paigtingin ang opensiba sa buong Mindanao matapos ang proklamasyon ng Martial Law doon.
Nilinaw aniya ng Presidente na hindi target ang NPA sa idineklarang Batas Militar.
Kaugnay nito , hinamon ni Bello ang CPP na itama ang mali nito at bawiin ang walang saysay na utos kung ayaw nitong mapagbintangan na sumusuporta sa teroristang gawain ng Maute Group.
Ulat ni: Moira Encina