VACC pabor na maging state witness si Janet Napoles
Suportado ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na gawing state witness ni Janet Napoles kung may basehan para mabunyag at mapanagot ang iba pang sangkot sa pork barrel fund scam.
Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi VACC Chairman Dante Jimenez , nasa kamay parin ng korte ang pagpapasya kung uubrang maging state witness si Napoles.
Para kay Jimenez magiging kwalipikado lamang si Napoles na maging state witness kung ito ay may bagong mga ebidensya , bagong testigo at bagong complaints sa ibang sangkot na nakalusot at hindi nakasama sa mga naunang kinasuhan.
Sinabi pa ni Jimenez , kinakailangan na masugpo na ang kurapsiyon na pinaka punot dulo ng kahirapan sa bansa.
Naniniwala si jimenez na may nakakataas na opisyal na sangkot sa PDAF scam na ngayon ay nananatiling malaya at naniniwalang hindi siya mapapanagot sa kanyang kasalanan.
Ulat ni : Marinell Ochoa
