Validity ng MOOE at capital outlay appropriation sa 2019 inaprubahan ng senado
Pinagtibay na ng senado ang joint resolution para palawigin ang validity ng 2018 appropriations para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE at capital outlay ng mga ahensya ng gobyerno na epektibo hanggang sa diyembre ng 2019.
Ang pondo ay nakapaloob sa inaprubahang general appropriations fund ngayong 2018.
Ayon kay Senador Loren Legarda, chairman ng senate committee on finance, gagamitin ang pondo para tustusan ang mga priority projects, relief activities, maintenance, construction, repair at rehabilitation ng mga eskwelahan, osptal at mga pasilidad ng gobyerno.
Inaprubahan ang joint resolution 17 para magamit ang pondong natipid ng gobyerno sa 2018 budget
Sa halip aniya na ibalik ito sa surplus ng general fund pinagtibay ng kongreso ang extension ng availability of funds para pakinabangan pa ng publiko.
Ang counterpart resolution nito ay una nang inaprubahan ng kamara noong November 26.
ulat ni Meanne Corvera