Wage increase para sa mga government workers, pinahahanapan ng pondo

0
bong go

Pinapahanapan ng pondo ni senador Christopher Bong Go sa Department t of Budget and Management ang dagdag na sweldo para sa mga government workers ngayong taon

Ayon kay Go, yan ay dahil hindi na sapat ang kasalukuyang sweldo dahil sa napakataas na presyo ng
mga bilihin at serbisyo na dulot ng mga kalamidad at pagtaas ng krudo sa pandaigdigang merkado

Sa budget hearing sa senado sabi ng senador ngayong taon ang huling taon ng implementasyon ng Republic Act 11466 o salary standardization law na ipinatupad noong 2019.

Ang sagot ni budget secretary Amenah Pangandaman hinihintay pa nila ang resulta ng pag aaral ng governance commission for GOCC kung dapat nga bang magbigay ng wage increase

Gayunman, naglaan aniya sila ng 16.95 billion para dito at maaari pang maghanap ng dagdag kung kukulangin

Meane Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *