Walong miyembro ng Maute group na nagbigay ng mahalagang impormasyon hawak na ng militar sa Marawi City ayon sa AFP

0
padilla

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines sa regular na Mindanao hour sa Malakanyang na mayroong walong miyembro ng maute group ang hawak ng militar sa Marawi City.

Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na isinailalim sa interogasyon ang walong Maute members at nakakuha ang militar ng mahahalagang inpormasyon.

Ayon kay Padilla subject for validation na ang nakuhang inpormasyon sa walong Maute members na maaaring magamit ng militar sa ginagawang offensive operations sa Marawi City.

Samantala itinanggi ni Padilla ang kumakalat na balita na inaresto ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang isang Omar Maute na umanoy isa sa mga lider ng Maute group.

Niliwanag ni Padilla na ginagawa lahat ng mga security personnel ng pamahalaan para masigurong hindi makakapasok sa Metro Manila ang mga miyembro ng Maute group na target ng military offensive operations sa Marawi City.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *