Writ of Summons naisilbi na sa OVP

Naisilbi na ng Office of the senate Sergeant-at-Arms ang Writ of Summons sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa Mandaluyong City.
Mismong si Sergeant-at-Arms Roberto Ancan ang nanguna sa paghahain ng summons sa OVP.
kaugnay ito sa impeachment complaint na kinakaharap ni VP Sara Duterte.
Kinumpirma naman ng OVP na natanggap na nila ang Writ of Summons, bandang 11:05 ngayong Miyerkoles ng umaga.
Nakasaad sa summons na dapat magpaliwanag si Duterte sa non-extendible period na 10 araw.
Nabatid na nasa personal trip ngayon si Duterte kasama ang kanyang pamilya sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Mar Gabriel