1 patay, menor-de-edad arestado sa buy-bust operation ng PDEA sa Kabasalan Zamboanga Sibugay, higit 10 milyon piso na halaga ng shabu nakumpiska

Patay ang isa samantalang isang menor-de-edad naman ang naaresto sa drug-buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 9 at PDEA-ARMM sa Barangay Poblacion, Bayan ng Kabasalan, Probinsya sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang napatay na suspect na si Jamil Asmad, miyembro umano ng criminal gang at target listed ng PNP, habang kinilala lamang sa pangalang Alkiezer Canda ang naarestong menor-de-edad habang nakatakas naman ang isa pang kasamahan nila na si John Doe.

Base sa ulat ng PDEA, sakay ng motorsiklo ang mga suspek ng makipagkita sa isang pdea agent na nagpanggap ng poseur buyer.

Nakatunog itong mga suspek na otoridad na ang kanilang katransaksyon kaya’t mabilis umanong bumunot ng baril ang suspek na si Asmad at pinaputukan ang PDEA na nagpanggap na poseur buyer na masuwerte naman na hindi tinamaan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pinaniwalaang shabu na may street value na 10.2 million pesos, isang kalibre kwarentay singkong baril na may bala, cellphone at ang motorsiklo na ginamit ng mga suspek.

Sa ngayon ay nasa kostudiya ng PDEA ang naarestong menor-de-edad na suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Ulat ni Ferdinand Libor Jr.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *