10 Kabataan tinangay ng ragasa ng tubig sa General Trias Cavite

Tinangay ng malakas na ragasa ng tubig ang sampung kabataan na naliligo sa ilog ng Maralas sa General Trias Cavite.

Batay sa report dahil sa malakas na buhos ng ulan ay biglang rumagasa ang tubig sa ilog dahilan para matangay ang sampung kabataan.

Mabilis namang rumispondeng sa lugar ang mga kawani ng Brgy. Santiago kung saan naging pahirapan ang pag-ahon sa mga kabataan.

Nasagip naman ang lahat ng kabataan at agad na naisugod sa pagamutan.

Labis naman ang pasasalamat sa mga residente at Brgy. Official ng Santiago sa agarang aksiyon at mabilis na pagsagip sa mga biktima.

Lloyd Bautista

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *