10 Oras na Voting Time, Aprubado na ng COMELEC

Sampung oras lang ang ilalaan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagsasagawa ng halalan sa darating na Mayo 9.

Ito ang ipinalabas na desisyon ng Commission on Elections en banc, dahil dito alas siyete ng umaga magbubukas ang mga precinto at isasara naman ang mga ito sa ganap na alas-singko ng hapon. Sa kabila nito, papayagan pa rin na makaboto ang mga botanteng nasa loob ng 30m. radius mula sa mga precinto kahit pa sumapit na ang alas singkong deadline.

Please follow and like us: