10 pasahero at crew ng bumagsak na military helicopter sa Colombia, patay lahat

Patay ang lahat ng sampung (10) pasahero ng bumagsak na military helicopter sa Northwestern Colombia.

Lulan ng Russian-made MI-17 aircraft ang anim na pasahero at apat na crew nang ito ay bumagsak. sa remote area ng nasabing lugar.

Ayon kay Army commander General Ricardo Gomez, napakasakit para sa kanila ng pangyayari.

Sinabi naman ni Defense Minister Luis Carlos Villegas na sinimulan na ang imbestigasyon sa naging dahilan ng pagbagsak ng nasabing helicopter.

Nagpadala naman ng mensahe ng pakikiramay si President Juan Manuel Santos sa pamilya ng mga biktima sa pamamagitan ng kaniyang twitter account.

Isang military official naman ang nagsabi na masamang panahon ang maaaring naging dahilan ng pagbagsak ng helicopter dahil maulap ang papawirin sa nasabing lugar nang maganap ang aksidente.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *