100 tauhan ng BuCor, sasailalim sa reform seminar

Umaabot sa 100 opisyal at tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang dadaan sa dalawang araw na reform seminar.

Kabilang sa mga ito ang jail guards mula sa maximum security camp sa New Bilibid Prisons (NBP) na pinalitan noong Abril.

Isasagawa ang seminar mula ngayong May 30 hanggang 31 sa BuCor headquarters sa Muntinlupa City.

Ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang Jr., ang leadership seminar ay bahagi ng mga reporma para sa mga tauhan nito na naliligaw ng landas.

Matatandaan na noong Abril ay nagpatupad ng balasahan sa Bilibid kung saan 700 guwardiya ng Bilibid ang pinalitan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *