11 pang akusado na sangkot sa Marawi siege, iluluwas na sa Metro Manila – DOJ

aguirre

Courtesy of Wikipedia.org

 

 

Dadalhin na sa Metro Manila ang 11 pang akusado na sangkot sa rebelyon sa Marawi City.

Ayon kay Department of Justice Sec. Vitaliano Aguirre II dadalhin sa Bureau of Jail Management and Penology sa Taguig City ang lahat ng mga akusado sa kasong rebelyon kabilang na si dating Marawi City Mayor Fahad “Pre” Salic.

Aniya, magiging peligro kung mamamalagi sa Cagayan de Oro City ang mga high valued inmates sa custodial facility ng Armed Forces of the Philippines.

Bukod sa kasong rebelyon may iba pang kasong kakaharapin si Salic kabilang dito ang paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *