11 patay sa aksidente sa Zambales

Labing-isa ang patay sa banggaan ng closed van at multicab sa Botolan, Zambales.

Ayon kay Police Chief Inspector Generico Binan, Chief of Police ng Botolan PNP, binagbagtas ng delivery van ng Goldilocks bakeshop ang timog na bahagi ng bigla na lamang nagkaroon ng head-on collision sa isang multicab sa Sitio Apuloy, Brgy. Amungan sa Bayan ng Iba.

Labintatlo  ang lulan ng multicab na pag-aari ng gobyerno kung saan agad na namatay sa lugar ang pito habang apat na iba kabilang ang isang sanggol ang namatay sa pagamutan.

Pawang mga residente ng Barangay Amungan ang mga namatay na biktima.

Nasa pagamutan naman at inoobserbahan  ang apat na sugatang biktima.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang nasabing  aksidente.

Please follow and like us: