113th founding anniversary ng BIR pinangunahan ni Pangulong Duterte

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika 113 anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa Quezon City.

Inatasan ng Pangulo si BIR Commissioner Cesar Dulay na doblehin ang pagsisikap sa pangongolekta ng buwis upang matustusan ang pangangailangan ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo ang isa sa pinaghahandaan ay ang pondong gagastusin sa magiging epekto ng mga kalamidad na pumapasok sa bansa.

Inihayag din ng Pangulo na nangangailangan din ang pamahalaan ng dagdag na pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi na sinira ng digmaan dulot ng pananakop ng mga teroristang Maute group.

Ang BIR ang pangunahing revenue collecting agency ng pamahalaan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *