13 Pinoy crew ng M/V True Confidence,  binigyan ng tulong ng PH Embassy

Binisita sa Djibouti ng team mula sa Embahada ng Pilipinas sa Egypt  ang 13 tripulanteng Pilipino ng M/V True Confidence na nakaligtas sa missile attack ng mga rebeldeng Houthi sa Gulf of Aden.

Ayon sa Philippine Embassy in Egypt, pinagkalooban ng tulong ang 13 Pinoy.

Tatlo sa mga Pinoy crew ang nasugatan mula sa pag-atake sa kanilang barko.

Ang isa sa mga biktima ay nakatakdang makalabas na ng pagamutan habang ang dalawa ay nagpapagaling pa.

Pinasalamatan naman nina Vice Consul Bojer Capati at Assistance to Nationals Officer Camaloden Guro ang Djibouti Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation sa pag-alalay sa Pinoy seafarers.

Dalawang Pinoy crew ng M/V True Confidence ang nasawi sa pag-atake noong Marso 6.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *