16 kabilang ang 3-taong gulang na bata, patay sa sunog sa Tandang Sora, QC

Labing-anim katao kasama ang tatlong taong gulang na batang lalaki ang patay sa sunog sa residential area sa Tandang Sora, Quezon City.

Nagsimula ang sunog pasado alas-5:00 ng umaga kanina sa residential building sa Kennedy Drive, Barangay Tandang Sora.

Agad itong iniakyat sa unang alarma dahil mabilis na kumalat ang apoy.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Regional Fire Chief Supt. Nahum Tarroza, sumiklab ang sunog sa opisina na nasa unang palapag ng gusali at mabilis na kumalat sa ikalawang palapag na kinaroroonan ng mga biktima.

Sa imbestigasyon pa ng BFP, printing area ng mga t-shirt ang nasunog sa second floor ng gusali.

Ayon sa home owners at barangay officials, hindi umano nila alam na mayroon palang printing ng mga t-shirt sa loob ng gusali

Wala rin umanong kaukulang permit ito sa pagnenegosyo.

May tatlong katao na nakaligtas sa sunog matapos silang tumalon mula sa bintana ngunit nagtamo sila ng mga paso sa katawan.

Patuloy pang inaalam ng BFP ang pagkakakilanlan ng mga biktima at sanhi ng sunog.

Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *