15 miyembro ng PSG positibo sa COVID-19 – Malakanyang

Positibo sa COVID-19 ang 15 miyembro ng Presidential Security Group o PSG.

Sinabi ni PSG Commander Colonel Randolph Cabangbang na walang direct contact kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagpositibo sa COVID-19 na PSG dahil ang mga ito ay galing sa bakasyon.

Inihayag ni Colonel Cabangbang na fully vaccinated ang mga nagpositibong PSG na pawang asymptomatic at nasa isolation na ang mga ito.

Vic Somintac

Please follow and like us: