Legal briefer ukol sa ICC , isusumite ng DOJ kay PBBM

Patuloy na inihahanda ng DOJ ang legal briefer na isusumite nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa isyu ng International Criminal Court.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na kabilang sa legal briefer ang scenario kung sakali na mag-isyu ang ICC ng arrest order laban sa mga respondent sa war on drugs case.

Kasunod ito ng pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na nakatakdang ipalabas ng ICC ang warrants of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala naman aniyang impormasyon ang DOJ sa pahayag ng dating Senador.

Kasama rin sa briefer ang posibilidad ng pagbabalik ng Pilipinas sa ICC matapos na kumalas noong 2019.

Ayon kay Clavano, dati nang iniutos ni Pangulong Marcos sa DOJ na pag-aralan ang isyu sa ICC.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *