16 na kabahayan nasunog sa Brgy. Manocmanoc , Boracay

Labing anim na kabahayan ang nasunog sa Zone 1, Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc, Boracay.

batay sa report , sa naturang bilang labing lima ang totally damaged habang isa naman ang partially damaged .

Lumabas naman sa inisyal na imbestigasyon na electrical short circuit mula sa poste ng AKELCO ang naging dahilan ng sunog.

Unang naapektuhan ang bahay na inuupahan ng isang electrician at dahil sa dikit-dikit ang kabahayan at mahangin kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Tinatayang aabot sa dalawang milyong piso ang halaga ng iniwang pinsala ng naturang sunog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring sunog noong Marso a dos.

Please follow and like us: