17 Barangay sa Maguindanao, isinailalim sa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang labing pitong (17) Barangay sa bayan ng Mother Kabuntalan sa Maguindanao.

Ito ang inihayag ni Municipal Administrator Anwar Salik batay na rin sa resolusyong ipinasa ng Sangguniang bayan bunsod na rin ng pagtaas ng tubig baha dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Dahil dito, apektado ng hanggang tuhod na pagbaha ang mahigit tatlong libo at limandaang (3,500) pamilya.

Lubog sa baha ang mismong munisipyo, Sangguniang Bayan gayundin ang himpilan ng pulisya.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *