17-years old pababa, bawal munang lumabas ng bahay sa buong Metro Manila

Simula bukas, Marso 17, 2021 ay bawal na munang lumabas ng bahay ang mga menor edad o mga kabataan na 17 years old pababa. 

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, sinimulan na nilang bumalangkas ng resolusyon para sa implementasyon ng kautusan.

Napagkasunduan aniya ito ng Metro Manila mayors para mapababa ang mataas na kaso ng nagkakaroon ng COVID-19. 

Ito ay ipatutupad sa lahat ng lungsod sa Metro Manila at tatagal ng dalawang linggo.

Nauna nang nagpa tupad ang mga alkalde ng dalawang linggong unified curfew dahil sa muling paglobo ng mga tinatamaan ng virus.

Umapila naman ang Metro mayors sa publiko na sumunod sa health protocols para hindi malagay sa panganib ang buhay ng kanilang pamilya

Please follow and like us: