18 Chinese nationals at dalawang Pinoy na sangkot sa illegal POGO hub sa Parañaque, humarap sa pagdinig ng DOJ

Dinala sa Department of Justice (DOJ) ng mga tauhan ng PNP- CIDG ang 18 Chinese at dalawang Pilipino na idinawit sa operasyon nang sinalakay na illegal POGO hub sa ATI Building sa Parañaque City noong Pebrero 20.

Ito ay para dumalo sa pagdinig ng DOJ sa reklamong human trafficking na isinampa laban sa mga ito ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Una nang sinabi ni PAOCC Chief Undersecretary Gilbert Cruz na ang mga nasabing respondent ang nangasiwa para makapagtrabaho sa scam hub ang mahigit 400 naarestong empleyado.

Courtesy: PNA
Bukod sa investment scam, dawit din aniya ang POGO hub sa love scam at sports betting scam.
Moira Encina-Cruz