Ilang kalsada sa Maynila sarado bukas, June 12

Nag-abiso ang Metro Manila Development Authority (MMDA)sa pagsasara ng ilang kalsada sa Maynila kasabay ng pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan bukas, June 12.
Sa abiso ng MMDA, isasara ang northbound at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula Buendia hanggang P. Burgos Drive mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng umaga.
Pansamantala ring isasara ang:
• Bonifacio Drive (mula P. Burgos – Anda Circle)
• TM Kalaw (mula Taft Avenue – Roxas Blvd.)
• P. Burgos (mula Taft Ave. – Roxas Blvd.)
• Finance Road (Taft Ave. – P. Burgos Drive)
• Maria Orosa (from TM Kalaw – P. Burgos Drive)
Maaga namang isasara sa mga motorista ang kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road, at South Road mula alas-12:01 ng hatinggabi hanggang alas-11:30 ng umaga.
Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta.
Madelyn Moratillo