18 wheeler truck ,nahulog sa Capas Tarlac, isa sugatan

Nahulog ang isang 18 wheeler truck sa tulay matapos bumangga sa concrete barrier sa kahabaan ng brgy O’Donnel-Capas San Jose bypass road sa Capas,Tarlac.

Ayon sa driver na si Roberto Caban , nawalan nang control ang truck kaya ito bumangga sa concrete barrier.

Ligtas naman ang nasabing driver ng truck pero ang kasama nitong si Juanito Cruz ay malubhang nasugatan matapos pumailalim sa nahulog na truck.

Mabilis namang narescue ng  Provincial Disaster Risk Rescue team at ng Municipal Disaster Rescue team  ng bayan ng Capas Tarlac ang mga biktima at agad naisugod sa pinakamalapit na ospital.

Ulat ni : Aida Tabamo

Please follow and like us: