190 na mga Overstaying at Undocumented OFW mula sa Kuwait nakauwi na sa Pilipinas

0
ofw-special-lane_2016-11-29_00-58-30

Nakauwi na rin sa Pilipinas ang 190 pang mga Overseas Filipino workers mula sa Kuwait.

Ayon kay Overseas Workers welfare administration o OWWA Deputy Administrator for operations Brigido Dulay, ang naturang mga OFW ay kabilang sa mga undocumented at overstaying  na nag-avail ng amnesty ng gobyerno ng Kuwait.

Sinabi ni Dulay na umaabot na ngayon sa mahigit 4,000 mga Pinoy ang nakapag -avail ng amnestiya.

Pero patuloy aniya ang panawagan ng embahada ng pilipinas sa Kuwait  sa mga pinoy na mag-avail na sa programa para makaiwas sa posibleng pag-aresto.

Ang amnesty program ay inaasahang matatapos na sa Linggo, April 22.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *