Magnitude 6.5 na lindol, tumama sa Bogota, Colombia

A view of damaged structures after a strong earthquake in Santa Cecilia, Paratebueno, Colombia, June 8, 2025. REUTERS/Santiago Molina Fernandez
Niyanig ng malakas na 6.5-magnitude na lindol na tumagal ng ilang segundo ang Bogota, kabisera ng Colombia.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang mababaw na lindol ay tumama sa siyudad ng Paratebueno sa central Colombia, may 170 kilometro sa silangan ng Bogota.
Wala pa namang napaulat na casualties sa lindol na naramdaman din sa mga siyudad ng Medellin, Cali at Manizales.

A view inside a damaged house after a strong earthquake at Santa Cecilia, in Paratebueno, Colombia, June 8, 2025. REUTERS/Santiago Molina Fernandez
Ang naturang lindol, ay isa sa pinakamalakas at pinakamatagal na naramdaman sa bogota sa nakalipas na mga taon.
Sinabi ni Bogota Mayor Carlos Fernando Galan, na pinakilos na ang lahat ng disaster agencies, habang nagsagawa naman ng inspeksiyon sa siyudad ang emergency workers upang alamin kung may mga na-damage at magkaloob na rin ng tulong.